Thursday, December 08, 2011

Maluhong Ambisyon

Eto na ang pinakamahal na gadget para sa maluho kong pagkahilig sa camera. Presenting the Leica M9 digital rangefinder camera. Una kong pinangarap ang M3 na nakita sa magazine in a coffee shop. Ngayon nagbalik nanaman ang pagnanais ko sa kanya. This is the latest sa M series, madaming Leica sa Hidalgo pero mga film pa. Wag ismolin ang camera na to, kasing lupet yan ng canon 5D (mejo). It gives you the pleasure of shooting high end quality pictures of 21-24 mega pixels kahit 18.5MP lang 'to. Silent shooter pa yan, preferably for street photography, sa mga photo journalist, travelers and photo enthusiasts. You can get the real emotions of your subject without interrupting them. With its compact and lightweight ergonomics, you can shoot everyday and anywhere you want. Less hassle sa pagdala ng bulky dslr camera and long or wide lenses.

A humble camera na hambog ang presyo.

Haay..mapapa-buntong hininga ka na lang sa presyo. Nagkakahalaga lang naman sya ng tatlong daang libong piso na halos katumbas na ng anim na macbook pro, o kaya second hand na sasakyan kaya mo na bumili ng spark na chevrolet may kasama pang soundsystem at customized leather seats. Pwede ka na rin mag-down payment para sa house and lot, mag travel sa Paris with your family, mag-produce ng indie album, mag-support sa church planting, gumawa ng big event for your favorite bands dito sa Pinas, magvolunteer na ipasemento ang lubak na daan na abala sa subdivision nyo, bumili ng maraming aso at pusa at gumawa ng pet society, magpamigay ng mga sapatos or tsinelas sa mga street children- mas maganda siguro pakainin mo sila sa Jollibee, manlibe ng pamasahe sa lahat ng masakyan mong public transportation..libre mo lahat ng tao sa MRT o LRT, at marami pang iba.
Hehe.*bow

Tanong: Shall I buy or not?

Sabi nga nila best things in life are free. Isa na to sa pinaka the best na mangyayari sa buhay ko pag nagkaron ako neto. Hello mga Ninong at Ninang at sa mga taong gusto magpasaya ng isang batang taga pangarap. :)

Namiss ko ang tagalog na blog. ^_^

1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...