Sa mga pagkakataon na ganito..uhm..umuulan, makulimlim, malamig, walang pasok..tumatakbo ang isip, aktibo ang utak. Andami mong gustong gawin! pero may problema...
tinaman ka ng katamaran! haha..
mas gugustuhin mu na lng matulog, manood, kumain, magcomputer..Lahat gagawin mo basta stay put ka lang sa pinaka komportable mong posisyon, sa pagkakaupo mo o sa pagkakahiga mo.
Ano ba epekto ng pagkatamad? Edi masama. Pwede kang tumaba..kain tulog ka ba naman, walang exercise, pinaka exercise mu yung pagkuha ng pagkain sa "prijider" ehe..tapos balik ka ulit sa posisyon mong komportable. Kain, lamon, tulog, gising, kain, lamon, tulog. Yun ang cycle ng buhay. Anu na mangyayari? maglalabasan sakit mo. Tataas presyon mo, high-blood na pala. naku,pag nagkasakit ka gastos. pag gastos apektado ang budget tapos pag na short ka hingi ka ng tulong sa kamag anak, pag na-stroke ka hanap ka pa ng mag-aalaga sayo..e walng gusto kasi ang taba mo ang asim pa ng amoy mo.Imbis na mamatay ka sa sakit mo, mamatay ka sa lungkot. Sa huli magsisisi ka. Sana hindi nalang ako naging tamad..
Tsktsk..poor kid.
Nakaramdam ka na ba ng pagkatamad?..hindi naman lahat ng tamad ganun ang ending, exagerated lang ako.
Pano pag ganto ang pagkatamad mo?
Nakakatamad manood ng tv, wala ng magandang palabas
Nakakatamad ngumuya ng chocolate, nakakaumay na ang matamis
Nakakatamad mag facebook/multiply, try mu mag hugas ng plato
Nakakatamad magalit, ayaw mu lang mag-ipon ng sama ng loob
Nakakatamad makipag-away, ang ending parehas kayong talo
Nakakatamad magreklamo, gumawa ka nalng ng solusyon
Nakakatamad magsalita, less talk less mistake
Nakakatamad mag abang ng tricycle, maglakad ka sama mo friend mo. bonding na nakatipid ka pa.
Nakakatamad mangopya, ansakit sa leeg tapos kabado ka pa
Nakakatamad mang-okray, hindi ka rin naman perfect
Nakakatamad mangtsismis, pabidahan lang yun nakasakit ka pa ng kapwa
Nakakatamad mag-upload ng pics sa friendster/multiply/facebook, ginawa mu ng harddisk yung site mo
Nakakatamad mag-ppicture, hindi rin naman pinapaprint
Nakakatamad mag-jaywalking, exercise naman ang pagtawid sa footbridge
Nakakatamad manlalake/mambabae, nakakastress. ehe
Nakakatamad magyosi, polluted na nga hangin dadagdagan mo pa
Nakakatamad humingi ng extra baon, pangproject kuno pang lustay lang naman.
Nakakatamad maghintay, siguro dapat may gawin ka na.
May magandang epekto ba ang pagkatamad?